Noong bata pa ako, madalas pumunta sa mall ang pamilya ko. Siguro ay kahit minsan man lang sa isang linggo, nagpupunta kami. Kadalasang ginagawa namin doon ay kumain. Naalala ko pa na madalas kami kumain noon sa Shakey’s o di naman kaya, sa Jollibee o sa McDo. Pagkatpos kumain, syempre window shopping na, o kaya naman, diretso kami ng mga kapatid ko sa arcade. Madalas din kami tumambay noon sa National Bookstore. Wala kaming pakialam sa sign na “No private reading”. Basta’t may makita akong maggandang libro, umuupo na ako sa sahig ng bookstore at nagbabasa. Ang pinaka naaalala kong mall sa lahat ng pinuntahtan namin noong bata pa ako ay yung SM Southmall at Glorietta.
Noong mga panahaong iyon, ginagawa palang yung Glorietta pati Greenbelt, pero yung Landmark at SM, matagal na nung buhay. Dahil nasa magkabilang dulo ng mundo ng Ayala ang Landmark at Sm, ginagawa naming tawiran yung Glorietta. Noon, maganda pa yung fountain sa gitna, malaki rin yung playground para sa mga bata. Ibang- iba sa Glorietta ngayon. Ang naaalala ko lang na bukas noong stall ay yung may tinitinda na magic bulate na color orange, green, o pink na neon. Nakalimutan ko na yung tawag dun. Basta ang naalala ko bulate na “fuzzy”(hehe). Sabi ng mommy ko, ayos na daw noon yung Glorietta, at yung 4 nalang yung ginagawa. Siguro nga pero iba yung naaalala ko.
Naranasan mo na bang manatili sa mall lampas ng pagsasara nito? Yung tipong patay na halos lahat ng ilaw, lahat ng stalls at tindahan sarado na rin, at yung mga janitor nalang ang nasa loob? Ako naranasan ko na.
May tindahan kami dati sa Sm Southmall. Kapag closing na ng mall at kami nalang ang nandoon, nagkukunwari kami ng mga kapatid ko na kami ang may ari ng SM. Yung mga “rides” malapit sa food court yung mga sasakyan kunwari namin. Pati yung ice skating rink sa amin kunwari. Kunwari lang haha. Pero masaya. Kahit hindi closing time masarap tumambay sa mall, lalo na pag bata ka. Masaya tumakbo sa malawak na lugar na yun, kailangan mo lang iwasan yung mga tao, lalo na yung mga may dalang babasagin, pero syempre kailangan talagang paharang-harang sila, para may thrill. Masaya rin syempre magwindow shopping.
Bakit ko nga naman ba kinwento lahat ‘to?
Wala lang. Tungkol kasi sa mall ang binasa namin, eh. “Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi” ni Rolando Tolentino.
Hindi ko masyadong naintindihan yung reading, aminado ako doon. Pero sinubukan ko naman.
Ang naintindin ko lang doon ay ang mall ay bahagi na ng kulturang Pilipino, lalo na sa kasalukuyang panahon. Lahat na siguro ng maiisip mong pwedeng gawin, posible sa mall. Pwede ka kumain, manood ng sine, maglaro, magshopping, magbasa, mag-ice skating, magbowling, magkantahan; pwede ka nga rin magsimba, maglaba, magpadentista, magpa-facial, magpagupit, magpaahit ng kilay, magpaalaga ng bata, at matulog. Hindi ko man ginagawa sa mall ang lahat ng yan (mahal ang gupit sa mall, sa kanto 40 lang may kasama nang blow dry), hindi ko naman ma-imagine ang Pi’nas ng walang mall.
Tinalakay sa babasahin ang tungkol sa estado ng pamumuhay ng tao at ng mall. Totoo nga naman na sa mag pangmayaman na mall, nakakahiya pumunta kung tatambay ka lang. Pero hindi ako gaanong sang-ayon na ang SM ay “pang-masa”. Mahal din mamili dun! Ang kaibahan nga lang, pwede ka tumambay dun at walang sisita sa iyo. Pero sa palagay ko, mas posible na walang sisita sayo dun dahil masmaraming tao ang pumupunta dun, hindi ka na mahahalata na wala kang binili o bibilhin.
Sa susunod nalang ako siguro magdadagdag. Hindi pa naman tapos ang lesson. Pero tungkol daw sa architecture ang lesson… bahala na.